A Letter To Future Self

As I am thinking of what to write here, I remember the movie of Toni Gonzaga and Piolo Pascual entitled “Starting Over Again”. And there was a scene that they were writing letters for themselves in the future. Naisip ko lang bigla. So, I’m kinda curious of that kaya nag-search ako kung meron ngang ganung websites… and I found many! 😀 Totoo pa lang may ganun? Kaya eto, try ko lang na i-email ang sarili ko a year or two from now. Hihi! So, I choose www.lettermelater.com because some other sites are public letters and this is kinda private that I can only send letters to those I share it with via email. 🙂


I just wanna post some part of it, edited… So, here it goes:

Dear Future Self,

Ngayon nag-aaral ulit ako… Eversince iniwas-iwasan ko ang pagti-teacher, kumuha ako ng ibang courses before pero for some reasons hindi ko natapos, pati short courses pinatos ko na… I have plans for myself. Iba ang gusto ko. But God has better plans for me. He wants me to be like mama. Sabi nya iba din ang gusto nya noon, commerce. Gusto nya magtrabaho sa banko. Pero eto, sa SCHOOL pala kami magseserbisyo. TEACHER ang landas namin pare-pareho. Pati si ate na comsci graduate, nagteacher na rin. I am taking up BSEd sa school na dati dineadma deadma at dinaan daanan ko lang, kung saan-saang kilalang Universities ako nag-enroll dati ,yun pala dun sa iniisip kong walang kalatuy-latoy na school ko mabubuo ang isa sa mga pangarap ko somewhere in Novaliches, QC. Very IRONIC, isn’t it? But this time, I WANT TO FINISH THE RACE. By GOD’s grace and provision, matatapos ako. Iba na ngayon. Sana nga, kung anong sipag at sikap sa pag-aaral ko ngayon, kung paano ako mag-isip ngayon (matured), sana noon ganito din ako… Mahina kasi ako nun, dahil hindi pa ako “buo” nung time na yun, at durog na durog ang pagkatao ko, hindi ko magawang mag-focus sa pag-aaral. Pero hindi pa naman huli ang lahat, katulad ni mama na nakahabol pa. Kung hindi sya nakatapos, nganga kami ngayon. Sabi nga ni Ate Amy (schoolmate ko na graduate na last March), delayed man tulad nya na may asawa’t anak na at nag-aaral din sa same school, DREAM COME TRUE and SUCCESS pa ring matatawag ang maka-graduate. Bukod sa kanya, andun nagtagpo ang mga “Late Bloomers”… mga students aged 20’s & 30’s, pati mommies na kahit nakapag-asawa na at nagka-anak, hindi binibitiwan ang pangarap na maka-graduate sa college. Sa previous school ko, medyo nahirapan ako makisalamuha, sobrang mahiyain ako… pero dito sa school ko ngayon, tanggap ako nang buong-buo plus the training na nakukuha ko sa church… Kaya buo rin ang loob ko na pumasok at makatapos.

Anyways, I am supposed to be writing to my future self…. Uhmmmm… Currently, NO MONEY. Bakasyon. nasa Cebu si Mama at Papa. Kaaalis lang din ni BJ kaninang hapon. May allowance man, SAPAT LANG. Pandagdag sa pagkain, pang-transpo papuntang church at pauwi. Walang ibang pambala. Hindi makakilos, hindi makagala. Hindi mabili kung anong gustong bilhin o kainin. Hindi rin mapuntahan ang mga lugar na gustong bisitahin. Walang trabaho… sideline lang — ONLINE SHOPS. Pero I believe years from now, by God’s grace, IBA NA ANG SITWASYON. Ayoko na ng ganito… Kaya dapat pagbutihan mo. Kailangan makagraduate ka. Sikapin mo. Kahit gapang, go! This is your last chance. Ibangon mo ang sarili mo. Nandyan si mama aalalayan ka nya. Pagpasensyahan mo na lang kung minsan nasusumbatan ka, nabubungangaan, pakiramdam mo pinagsasampalan sa mukha mo na pabigat ka na. Intindihin mo na lang kasi bukod sa nagkaka-edad na sya, hindi pa rin nya magawa mag-early retirement gaya ng gusto nya. Kasi wala namang ibang magtataguyod ng family nyo kundi sya. Si papa walang trabaho, dati syang OFW oo, pero sabi nga ni mama matagal na syang retired sa pagiging provider ng pamilya. Masakit man pero dapat tanggap nyo na… at dahil nahihirapan si mama sa work, wala syang magawa, wala syang mahahanap kay papa. Palit na lang sila ng role, si mama magtatrabaho, si papa sa bahay. Ganun na nga lang talaga. Isipin mo na lang kung hindi nakagraduate si mama, malamang sa malamang nagtitinda ka ngayon sa palengke. O kaya, dealer ng kung anu-anong anik-anik kasi lahat na lang ng direct selling companies pati networking pinasok na ng mama mo. Malamang yun din ang kabuhayan mo. Hanggang ngayon naman diba? Ang pag-aaral mo naman hindi mo ginagawa para lang magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Ginagawa mo yan not to build your resume but yourself. Ginagawa mo yan dahil naranasan mong maliitin ng ibang tao. Higit sa lahat, ginagawa mo yan for His purpose. Alam kong may plano Siya sa buhay mo. 🙂

By the time na mabasa mo ulit itong email, iba na ang sitwasyon. You are a year older (or two). So ano nang nagyayari sayo? Anong balita? 😀 UPDATE! Hihi!

Study hard. PRAY HARDER. Konting tiyaga. Konting tiis. Sa journey mo, kasama mo si mama, si Jogen, pamilya mo, few close friends na naniniwalang kaya mo. Higit sa lahat, si GOD. You are not alone in this journey. You are running the race with Him. It may be tiring, pero ‘wag mong sukuan. Si mama nga hindi sumusuko sa’yo. Si God hindi ka rin sinukuan. Nakakapagod mag-aral ng mag-aral, but He always assure you that He’s always there… all the time. As He promised, He will never leave you nor forsake you. Everything happens for a purpose. Kung iniisip mong delayed lahat ng ‘to, maybe those some “not-so-good” things are the consequences of your decisions you have made or chosen in the past. But hey, sabi nga ni Rachel, you’re just in time! Also, be reminded that God has His own timing — never early nor late. He’s always on time! I have faith that He allowed things to happen in your life because He knew it would teach you lessons that you wouldn’t be learning in some other ways. Well, you’ve learned it the hard way. But by those pains, struggles and failures, you are what you are today — better version of yourself — version 2.0! And believe that this is just a part of His plans for you as He fulfill His purpose in your life. Just wait and see. God is not finish with you yet. 🙂 I’m so looking forward to the most awaited event in your life — your GRADUATION DAY. *excited*

Siguro iiyak ka talaga. Kasi daig mo pang nagdoktor sa tagal ng pag-aaral mo. Haha! BE POSSITIVE. KAYA MO YAN! 😀

Until then.

Right here patiently waiting and persevering,

Your Past Self ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s