4S

Teaching kids is so much fun! Hindi lang sa school, kahit sa church. Yun ang unang ministry ko. Yun ang unang naging lead at training ko sa pagtuturo.

Children’s Ministry ang una kong department. Wala akong experience nung unang sabak ko sa pagtuturo (dahil appointed lang ako). Urgent yung pagkaka-appoint sa’kin dahil namatay yung dating Sunday School teacher that time. After ng libing, saka lang napag-usapan kng sino ang pwedeng pumalit pansamantala. Hanggang sa may nag-suggest na bakit hindi ko subukan. At kahit may basbas ako ni Ptr. Esteva, natakot ako. Isang manipis na booklet lang ang unang binigay nya sa’kin as material. It was Wednesday, sa pagkakatanda ko. Tapos the following Sunday mag-start na ako. Medyo nabigla ako. Kulang yung preparation ko. Ang dami kong tanong… Hindi ako sanay magsalita sa harap ng ibang tao. Napakamahiyain ko sa part na yun. Anong gagawin ko? Pa’no ako magsisimula? Anong ituturo ko? Pa’no ko gagawin? Pa’no kung hindi ko magampanan ng maayos yung responsibilities na yun? Pa’no kung magfail ako? Ang daming worries.

Dumating ang araw ng Linggo. Binasa ko man yung booklet na binigay sa’kin, at kahit nandun si Ptr. para alalayan ako, iba pa rin. Kinakabahan ako ng todo. Nagpray ako na sana maging okay ang lahat… alam kong gagabayan ako ni God sa lahat ng gagawin ko the whole time ng pagtuturo… na sana mababait yung mga batang magiging estudyante ko. Inisip ko lahat ng experiences ko sa Sunday School nung bata ako. Yung mga kanta, kung paano kami magmemorize ng Bible memory verses, kung pa’no ilead ang mga bata sa prayer, mga simpleng games, lahat yun binalikan ko. Mahiyain at tahimik man ako nung bata, lahat naman nang yun natanim sa puso at isip ko. At lahat ng iyon nagamit ko, naging gabay sa unang sabak ko sa pagtuturo.

Buti na lang, konti lang ang students ko sa first day/week ko. Nakakatawa kasi apat (4) lang sila. Nakabawas ng tensyon at kaba. Para lang akong nakipagkwentuhan. Pero nung sumunod na mga linggo, unti-unti silang nadadagdagan… mula sa apat, naging walo, sampu, at dumami pa. Naisip ko, ang galing ni God. Kasi kahit hindi ako handa sa ministry, inunti-unti nya pa rin ako hanggang sa matuto at masanay ako. I know He called me. I believe He equipped me… and still training me to the higher lever.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s